^

Probinsiya

Drug pusher pumalag sa buy-bust, utas

Diana Lhyd Suelto - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang suspected drug pusher ang napatay nang ito umano ay manlaban sa pag-aresto sa kanya sa isang  buy-bust ­operation sa Sitio Balite, Brgy. Buhangin, Davao City, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ng  Buhangin Police Station ang suspek na si  Arence Coquilla, alias Aren, 51, residente ng Km. 5 Buhangin, Davao City.

Batay sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang pulisya, ala-1:00 ng madaling araw sa suspek na kung saan isang  poseur buyer na gu­mamit ng marked money ang bumili sa suspek ng shabu na nagkakahalaga ng P30,000.

Nang tanggapin ng suspek ang bayad ay dito na siya inaresto, subalit bumunot umano ito ng baril at pinutukan ang mga pulis na masuwerteng walang tinamaan.

Gumanti ng putok ang mga pulis at nasapol ang suspek na isinugod sa  Southern Philippines Medical Center (SPMC), subalit idineklarang dead  on arrival.

Nakuha sa crime scene ang isang  38 caliber revolver, 1 basyo ng bala, 2 bala na hindi pa pumutok at 2 bala ng  9mm baril.

Narekober din ang isa pang pakete ng shabu na may timbang na 10 gramo na nagkakahalaga ng P160,000.

Ayon pa sa pulisya na bukod sa pagiging drug pusher ng suspek ay sangkot din ito sa mga panghoholdap at pagnanakaw sa kanilang lugar.

vuukle comment

POLICE STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with