Tandem tumakas sa checkpoint, swak sa ilog

Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

CAVITE , Philippines — Nahulog sa ilog ang motorsiklo na sakay ng dalawang katao makaraang tumakas sa isang checkpoint at nakipaghabulan sa pulis kahapon ng madaling araw sa Brgy. Talaba 3, Bacoor City.

Arestado ang isa sa dalawang suspek na nakilalang si Mark Christopher Aligatos, 21-anyos,  ng CAA, Pulang Lupa, Las Piñas City, habang nakatakas ang kasama nitong driver ng motorsiklo na si Jay-r Villamor.

Sa imbestigasyon ni Police Master Sergeant Armando Perez, may hawak ng kaso, alas-4:50 ng madaling araw habang nagsasagawa ng checkpoint ang Bacoor Police sa ilalim ng Oplan Sita nang mamataan ang dalawang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo.

Akmang paparahin ng grupo ang mga suspek subalit sa halip na mag-menor ay pinaharurot nila ang motorsiklo at tuluy-tuloy na tumakas .

Nagkaroon ng habulan hanggang sa aksidenteng ma-swak sa ilog ang motorsiklo lulan ng dalawang suspek.

Nahuli ang angkas makaraang maipit sa motorsiklo habang nagawa pa ring makatakas ang kasamahan nito.

Show comments