^

Probinsiya

Vape na may liquid marijuana binebenta, 2 huli

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Vape na may liquid marijuana binebenta, 2 huli
Nakadisgrasya pa ang lalaking suspek makaraang manlaban ito at tumakas sakay ng kaniyang motor na nakilalang si Sebastian Miguel Magsila, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar.
Edd Gumban

Hi-tech na ang mga ‘tulak’...

CAVITE, Philippines —  Arestado ang dalawang tulak ng droga kabilang ang isang babae sa pagbebenta ng vape na may liquid marijuana sa inilatag na buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Brgy. Molino 5, Bacoor City.

Nakadisgrasya pa ang lalaking suspek makaraang manlaban ito at tumakas sakay ng kaniyang motor na nakilalang si Sebastian Miguel Magsila, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar.

Arestado rin ang kasamang babae ni Magsila na si Aubrey Rose Jumawan, nasa hustong gulang at kapwa nasa target drug list ng pulisya.

Sa ulat, alas-11:45 ng umaga nang ilatag ng Drug Enforcement Unit ng Bacoor City Police ang buy-bust laban sa dalawang suspek makaraang makaabot sa kanilang kaalaman na high-tech na ang pagbebenta ng mga suspek gamit ang ecigarrette o vape na may nakahalong liquid marijuana.

Nang magpositibo ang abutan, agad inaresto ng grupo ang dalawang suspek subalit nagpumiglas si Magsila at mabilis na tumakas sakay ng motorsiklo.

Nagkaroon ng habu­lan at sa kamalasan sumalpok ang suspek sa isang sasakyan sa gilid ng kalsada dahilan upang tuluyan siyang maaresto.

Nakumpiska sa da­la­wang suspek ang tat­long vape na may lamang liquid marijuana na nasa mahigit 4-gramo at tinatayang aabot sa halagang P22,500, 10 used vape cartridge na may mga traces ng li­quid marijuana, buy-bust money, itim na pouch na may lamang apat na hindi selyadong vape cartridge, isang Android phone, isang .38 caliber revolver na kargado ng mga bala at isang Honda PCX motorcycle.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with