Bagong laya, balik-selda sa droga

Kinilala ang walang kadala-dala na suspek na si Astro Biliran, 57 anyos at residente ng nasabing lugar.
STAR/ File

LIMAY, Bataan, Philippines — Balik-selda na naman sa ikatlong pagkakataon ang isang lalaki matapos matimbog ng mga otoridad sa ikinasang buy-bust operation sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang walang kadala-dala na suspek na si Astro Biliran, 57 anyos at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa pulisya, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa pagbebenta ng illegal na droga ng suspek kung kaya ikinasa ang isang buy-bust operation at isang pulis ang nagsilbing poseur buyer gamit ang P1,000 marked money.

Hindi na nakapalag pa ang suspek nang arestuhin ng mga nakapalibot na mga otoridad habang iligal na nakikipagtransaksyon sa undercover police.

Nakumpiska sa suspek ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at isang sachet ng marijuana.

Nakakulong na ang suspek at muli na namang nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

Show comments