^

Probinsiya

Coastal road, seawall project sa Quezon prov. ilalarga na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maaari nang simulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Quezon III District Engineering Office ang konstruksyon sa bahagi ng 4.75-kilometrong coastal road at seawall sa kahabaan ng coastal areas ng Catanauan, Quezon province matapos itong dumaan sa tamang proseso.

Nabatid mula sa officer-in-charge ng mahigit P96-milyong project na si Disrict Engr. Jorge C. Pasia na dumaan sa tamang proseso ang proyekto kung saan nagkaroon ng bidding at naigawad ang proyekto sa nagwaging bidder na St. Timothy Construction Corporation na may business address sa Pasig City at kinakatawan ni Ma. Roma Angeline D. Rimando, authorized managing officer.

Ang Notice of Award ay iginawad sa St. Timothy Construction Corporation ng Quezon III, District Engineering Office, Catanauan, Quezon noong March 29, 2023.

Ipinaliwanag ni Dist. Engr. Pasia na bago pa iginawad sa nanalong bidder ang kontrata ay nagsagawa na ng mga serye ng konsultasyon sa mga residente, local government unit (LGU) at environment sector ang DPWH.

Ilan sa mga napag-usapan sa ginawang coordination meeting ni Pasia noong Feb. 21, 2023 ay kinabibilangan ng mga issues at concerns ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO).

Sa nasabi coordination meeting ay ipinakita ni Engr. Domingo Villaruel ng Procurment Unit ng DPWH Quezon III DEO ang eksaktong lokasyon ng proyekto kung saan walang maapektuhang mangrove areas. Napag-alaman din na pinayuhan ni Ramil Gutierrez, OIC, CENR Office, Catanauan ang DPWH na magsagawa ng feasibility study upang ituloy ang multi-year project.

Ipinangako naman ni Pasia sa LGU at DENR na magsasagawa ito ng feasibility study gaya ng kahilingan ng DENR.

Inaasahan anila na malaki ang maidudulot na pakinabang sa mga residente at turistang nagdaraan sa lugar na ito ng Catanuan at maging sa progreso ng nasabing lugar sa usapin ng komersyo, kalakalan at turismo.

vuukle comment

DPWH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with