Bakuran ng lady cop, hinagisan ng Granada

Ayon sa mga saksi, isa sa dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo ang naghagis ng fragmentation grenade dakong alas-5 ng umaga sa bakuran ni Police Cpl. Sharmaine Serrano sa Corporation Drive sa Canelar St. ng nasabing lungsod.
Image by D Alyansyah from Pixabay

MARAWI CITY, Philippines — Nagdulot ng takot sa mga kapitbahay ng isang policewoman ang pagpapasabog ng granada sa bakuran nito sa Zamboanga City nitong Lunes ng umaga.

Ayon sa mga saksi, isa sa dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo ang naghagis ng fragmentation grenade dakong alas-5 ng umaga sa bakuran ni Police Cpl. Sharmaine Serrano sa Corporation Drive sa Canelar St. ng nasabing lungsod.

Agad na tumalilis ng takbo ang mga suspect matapos ang paghahagis ng granada sa bakuran ng nasabing pulis.

Wala namang nasawi o nasugatan sa insidente ngunit nagsanhi ito ng takot sa mga kapitbahay ni Serrano na kasapi ng Zamboanga City Police Office (ZCPO).

Nagkabutas-butas ang entrance gate ng bakuran nila Serrano at ang isang sasakyang nakaparada sa kanilang garahe.

Naniniwala ang mga imbestigador at mga opisyal ng ZCPO na pananakot ang motibo ng naturang pagpapasabog.

May teorya ang mga imbestigador na posibleng pananakot ang motibo ng pagpapasabog ng granada.

Show comments