^

Probinsiya

3 lider ng NPA todas sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
3 lider ng NPA todas sa encounter
Sa report ni AFP-Eastern Mindanao Command chief Lt. Gen. Almerol, nitong Biyernes ay nakasagupa ng 3rd Special Forces Battalion sa ilalim ng Army’s 401st Infantry Brigade ng 4th Infantry Division ang tinatayang nasa 20 na rebelde sa Sitio Hugmakan, Brgy. San Juan ng nasabing lungsod.
Interaksyon / File

MANILA, Philippines — Umiskor ang tropa ng gobyerno matapos mapatay ang tatlong lider ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa serye ng engkuwentro sa Bayugan City, Agusan del Sur, ayon sa isang opisyal nitong Sabado.

Sa report ni AFP-Eastern Mindanao Command chief Lt. Gen. Almerol, nitong Biyernes ay nakasagupa ng 3rd Special Forces Battalion sa ilalim ng Army’s 401st Infantry Brigade ng 4th Infantry Division ang tinatayang nasa 20 na rebelde sa Sitio Hugmakan, Brgy. San Juan ng nasabing lungsod.

Ang bakbakan ay tumagal ng 25 minuto at dito’y napatay ang high ranking leader ng NPA na si Emmanuel Balano Anub Sr., alyas “Ka Salem”, kalihim ng NPA Sub–Regional Committee Westland at nagsisilbi rin sa nasabing posisyon sa Guerilla Front (GF) Front 21 ng North Eastern Mindanao Regional Committee.

Ang nasabing lider komunista ay may 23 nakabinbing warrant of arrests sa kasong murder, multiple frustrated murder, arson, kidnapping, illegal detention, robbery with intimidation at iba pang krimen.

Nakumpiska rin mula rito ang isang AK 47 rifle, anim na magazine na puno ng mga bala, bandoleer, cellular phone at mga subersibong dokumento ng NPA terrorists.

Ang pinalakas na opensiba ng militar ay ipinag-utos ni Almerol sa CARAGA Region upang mapigilan ang paghahasik ng terorismo ng NPA kaugnay ng pagdiriwang ng ika-54 taong anibersaryo ng naturang komunistng grupo nitong nakalipas na Marso 29.

Bago ito, noong Marso 27 ay nakasagupa ng nasabing tropa ng mga sundalo ang isang grupo ng mga rebelde sa Sitio Vertudazo, Brgy. San Juan, Bayugan City na ikinasawi ng dalawang high ranking leader ng NPA sa rehiyon na sina alyas “Ka Dano”, Regional Finance Office at Ka Zig, Regional Medical Staff.

Narekober sa encounter site ang isang M4 carbine rifle, isang modified carbine rifle, mga bala at iba pang mga kagamitang pandigma.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with