^

Probinsiya

16-anyos, kaibigan minasaker sa tubuhan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang magkaibigan kabilang ang isang menor-de-edad matapos silang tadtarin ng saksak ng mga ‘di kilalang salarin sa naganap na masaker sa isang tubuhan sa Brgy. 6, Kabankalan City, Negros Occidental nitong Biyernes.

Kinilala ang mga biktima na sina Ervin Colorado, 22, habang itinago sa pa­ngalang Jerry ang binatilyo nitong kaibigan, Grade 9 student, mga residente ng Barangay Biniculi ng lungsod na ito.

Sa ulat ni Kabankalan City Police chief Lt. Col. John Joel Batusbatusan, dakong alas-8 ng umaga nang madiskubre ang bangkay ng mga biktima sa tubuhan sa Purok Pili ng nabanggit na Barangay.

Ayon sa opisyal, tinakpan pa ng hindi pa nakikilalang mga salarin ng mga dahon ng tubo ang mga bangkay ng biktima.

Sa imbestigasyon ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) ng Negros Occidental Police Provincial Office (PPO), nagtamo ng 22 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang 16-anyos habang 17 saksak ang tinamo ni Colorado.

Sa salaysay ng mga kapitbahay ng mga biktima, pasado ala-1 ng ma­daling araw nng maka­rinig sila ng panaghoy at paghingi ng tulong ng mga bikima pero walang naglakas loob na lumabas ng kanilang bahay sa takot na madamay sa insidente.

Kabilang sa posibleng motibo na sinisilip ng mga imbestigador sa kasong ito ay paghihiganti na humantong sa brutal na pagpatay sa mga biktima.

Mayroon nang person of interest ang pulisya sa kasong ito habang patuloy pa ang imbestigasyon sa krimen.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with