Top 9 ‘most wanted’ ng Region 2, arestado

Kinilala ni P/Col. Camlon Nasdoman, provincial director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) ang nadakip na akusado na si D-Jay De Jesus, 22, residente ng Barangay Manamtam.
STAR/File

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang tinaguriang number 9 most wanted person sa Cagayan Valley (Region 2) matapos ang isinagawang operasyon sa Barangay Manamtam, Bambang ng lalawigang ito nitong Lunes.

Kinilala ni P/Col. Camlon Nasdoman, provincial director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO) ang nadakip na akusado na si D-Jay De Jesus, 22, residente ng Barangay Manamtam.

Si De Jesus ay nadakip ng pinagsanib na puwersa ng Bambang Police, NVPPO tracker team at Diadi Police sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Romeo Uyami Habilling ng Regional Trial Court, Branch 37 sa Bayombong, Nueva Vizcaya na may petsang Agosto 23, 2022, dahil sa kasong panggagahasa.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Show comments