^

Probinsiya

Tindahan ng mga paputok sa Bulacan, ginalugad!

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

PNP at provincial government nagsanib sa inspeksyon

BOCAUE, Bulacan, Philippines — Dalawang linggo bago ang pagdiriwang ng Pasko, ginalugad ng Philippine National Police (PNP) katuwang ang Bulacan provincial government ang mga tindahan ng mga pyrotechnics o paputok para sa ikinasang puspusang inspeksyon sa tinaguriang “Fireworks Capital” ng bansa, sa lalawigang ito, kamakalawa ng hapon.

Magkakasamang nag­­tungo sa Dinglasan Compound sa Brgy. Turo, Bocaue, Bulacan sina PNP chief P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr.; Police Regional Office (PRO3) director P/Brig. Gen. Cesar Pasiwen; Bulacan Provincial Police Office director P/Col. Relly Arnedo; Bulacan Gov. Daniel Fernando; Bocaue Mayor Jon-Jon Villanueva; at ang Bulacan Pyrotechnics Regulatory Board, upang tiyakin na ang mga paputok at pyrotechnic dealers, sellers at manufacturers ay sumusunod sa ipinatutupad na regulations at guidelines na nakatala sa R.A 7183 at E.O. 28, bilang bahagi ng patuloy na crackdown ng PNP sa mga ilegal na paputok na mapanganib sa publiko.

Inisa-isa nina Azurin at Bulacan Governor Daniel Fernando kasama ang iba pang opisyal, ang mga tindahan ng paputok para sa inspeksyon dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili ngayong Kapaskuhan at sa pagsalubong ng Bagong Taon.

“We are conducting this inspection to assure the public that the necessary provisions under the Republic Act 7183 on regulating, manufacturing, and distributing firecrackers are strictly implemented to ensure safe and peaceful celebration of the Yuletide season,” ani Azurin.

Kailangan din aniya na  masiguro na sumusunod ang lahat sa health safety protocols  dahil nananatili ang banta ng COVID-19.

Nilinaw ni Azurin na hindi bawal ang fireworks at ang ipinagbabawal ay ang malalakas na uri ng paputok na posibleng magdulot ng disgrasya .

Pinaalalahanan ni  Azu­rin ang mga nagbeben­ta at gumagawa ng paputok na siguraduhin na  may permit to operate at fire extinguisher  sa kani-kanilang mga stalls.

Panawagan ni Azurin sa mga mamimili, huwag bumili ng mga illegal firecrackers na posibleng magdulot ng kapahamakan.

Tiniyak ni Azurin na patuloy ang kanilang pag­huli laban sa mga guma­gawa at nagbebenta ng illegal firecrackers. - Doris Franche-Borja

PAPUTOK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with