Magpinsang paslit nalunod sa ilog habang naglalaro

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi sa pagkalunod ang magpinsan na 3-taong-gulang nang madulas umano ang mga ito habang naglalaro sa isang ilog sa Bacarra, Ilocos Norte.

Sa ulat, sinabing ‘di kalayuan ang pinangyarihan ng insidente mula sa bahay ng mga biktima sa Barangay Corocor.

Ayon sa ulat, hindi agad namalayan ng kanilang mga magulang ang insidente dahil abala ang mga ito sa paglalaba.

Sinabi ng nanay ng isa sa mga biktima na nasa tabi lang niya ang anak habang siya ay abala sa paglalaba at ilang sandali ay hindi na niya ito nakita.

Hanggang sa may sumigaw na nalunod ang kanyang anak kaya’t agad niya itong pinuntahan ang ilog at nakita ang pinsan nito na naninilaw at ang kanyang anak naman ay nakahiga sa semento.

Show comments