^

Probinsiya

Nene na nangupit ng pera hinataw ng tubo ni tatay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinalian muna ng alam­bre at pagkatapos ay hinataw ng PVP pipe ng isang ama ang kan­­yang 8-anyos na anak na babae bilang pagdisiplina umano dito matapos kupitin nang P40.00 nitong pera, naganap kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Zapote 2, Bacoor City, Cavite.

Ang tatay na inaresto ng mga barangay dahil sa ginawang kalupitan sa anak nito ay kinilalang si Ryan Baltazar, 38, helper at residente ng na­sabing barangay.

Isinailalim naman sa medical examination ang batang biktima na isang grade 3 student.

Lumalabas sa imbestigasyon, bago naganap ang insidente, alas-5:00 ng hapon ay nagbabasa ng school notebook ang biktima nang may mahulog na P40 pesos na itinago nito.

Nakita ng ama ng bik­tima at tinanong ang anak kung saan nanggaling ang pera at sa takot ay umiiyak at inamin nitong kinuha ito sa bulsa ng pantalon ng ama.

Ikinagalit ito ng sus­pek at sa gustong ma­di­sip­lina ang anak, iginapos nito ng alambre ang bata at idinapa bago pinagpapalo ng PVP pipe sa puwetan.

Nang matapos ang pag­hataw ay nakatiyem­po ang biktima na tumak­bo palabas at hu­mingi ng tulong sa barangay na siyang umaresto sa suspek.

TUBO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with