^

Probinsiya

Empleyado ng korte sa Batangas, itinumba

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines — Patay ang 42-anyos na court probation employee matapos barilin ng riding in-tandem sa Sto. Tomas City nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni Police Major Allan Nidua, Sto. Tomas deputy police chief ang biktima na si Arnel Montablan, residente ng Barangay San Vicente, Sto Tomas City, Batangas at probation employee ng Tanauan City court.

Ayon sa report, nakaupo lang si Montablan sa gilid ng barangay road nang lapitan ng suspek at barilin ito bandang alas-7:35 ng gabi.

Batay sa salaysay ng mga saksi, may taas na 5’8”hanggang 5’11’’ ang gunman, naka white T-shirt at black na jacket.

Mabilis na nakatakas ang gunman sakay ng motorsiklo na minamaneho ng kasabwat nito at sumibad patu­ngong Barangay San Vicente sa naturang lungsod.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo at ang responsable sa krimen. 

MAJOR ALLAN NIDUA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with