^

Probinsiya

Dating bilanggo todas sa ambush sa Rizal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Dating bilanggo todas sa ambush sa Rizal
Ang biktima ay nakilala lamang na si John Paul Perante habang mabilis namang nakatakas ang ‘di kilalang salarin bitbit ang baril na ginamit sa krimen.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kaagad na binawian ng buhay ang isang lalaki, na dati na umanong nakulong dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga, nang tambangan at pagbabarilin ng ‘di kilalang salarin habang lulan ng kanyang motorsiklo sa Taytay, Rizal kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilala lamang na si John Paul Perante habang mabilis namang nakatakas ang ‘di kilalang salarin bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Taytay Municipal Police, dakong alas-8:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa Block 3, Mapamaraan St., Secondary Road, Purok 4, Lupang Arenda, Brgy. Sta. Ana, sa Taytay.

Minamaneho umano ng biktima ang kanyang kulay itim at pulang motorsiklo na may plakang 5522 UX, at binabagtas ang kahabaan ng Secondary Road ng Lupang Arenda, nang bigla na lang siyang lapitan ng salarin, at kaagad na pinagbabaril na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

Narekober umano sa kaliwang kamay ng biktima ang isang plastic sachet na naglalaman ng hinihina­lang pinatuyong dahon ng marijuana..

vuukle comment

JOHN PAUL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with