^

Probinsiya

7-anyos bulagta sa nilalarong baril

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
7-anyos bulagta sa nilalarong baril
Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang batang biktima na nakilalang si Joshua Met Tenorio, residente ng Sitio Bagong, Barangay Kabengi, Datu Saudi Ampatuan, Maguin­danao.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang 7-anyos na bata nang aksidenteng mabaril ang sarili nang makalabit ang gatilyo ng pinaglalaruang baril noong Sabado sa Maguin­danao.

Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang batang biktima na nakilalang si Joshua Met Tenorio, residente ng Sitio Bagong, Barangay Kabengi, Datu Saudi Ampatuan, Maguin­danao.

Ayon kay Datu Saudi Ampatuan IP Mandatory Representative Bello Jovel Tenorio, dakong alas-3 ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Batay sa salaysay ng saksi, nakita nilang pinag­lalaruan ng bata ang baril sa pag-aakalang laruan ito.

Makalipas ang ilang minuto at sa patuloy na paglalaro sa baril ay bigla itong pumutok hanggang sa makitang nakabulagta ang biktima at naliligo sa kanyang sariling dugo.

Iniimbestigahan na ng Datu Saudi Ampatuan Police ang insidente at inaalam na rin kung sino ang may-ari ng baril.

MANDATORY REPRESENTATIVE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with