Paslit hinigop ng balon, nalunod

DAET, Camarines Norte, Philippines — Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng isang paslit matapos mahulog sa balon at nalunod malapit sa kanilang bahay sa Brgy. Magang ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Sinubukan pang isugod sa Camarines Norte Provincial Hospital pero idineklarang dead-on-arrival ang biktimang si Marcell Dilla Devera, 1-taon at walong buwang gulang, at residente ng Purok-5, Brgy. Magang, Daet.

Sa ulat, dakong alas-4 ng hapon, sandaling iniwan ng kanyang nanay ang naglalarong bata para tingnan at asikasuhin ang kanyang iba pang mga kapatid. Gayunman, aksidenteng nahulog ang biktima sa balon.

Palutang-lutang at wala nang malay nang makita ng kanyang kapatid na babae ang biktima, kaya agarang humingi ng saklolo pero nang maiahon ay hindi na umabot nang buhay sa pagamutan.

Show comments