Lalaki inaresto sa nakaw na 24 motorsiklo

Isinakay ng mga otoridad ang umano’y nakaw na 24 motorsiklo na nakumpiska sa bahay ng suspek.
John Unson

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga pulis ang isang lalaking residente matapos makuha sa loob ng kanyang bakuran ang nasa 24 nakaw na motorsiklo, 2 baril at shabu nitong Martes sa Sultan Kudarat.

Kinilala ni Brig. Gen. Jamili Macaraeg, director of the Police Regional Office-12, ang suspek na si Eric Adi Pasawilan na nasa kustodiya ng Lambayong Municipal Police Station.

Ang 24 motorsiklo, dalawang .45 caliber pis­tols at 9 sachets ng shabu ay nakita sa bakuran ng kanyang bahay sa Barangay Zeneben, Lam­bayong, Sultan Kudarat.

Nabatid na sinalakay ng Lambayong police force at mga tauhan ng Sultan Kudarat Provincial Police Office ang bahay ni Pasawilan ma­ta­pos ma­katanggap ng sumbong mula sa  mga kapitbahay nito na nagtatago ito ng mga nakaw na motorsiklo na umano’y sinasangla sa kanya ng mga tao sa ka­la­pit na bayan.

Show comments