^

Probinsiya

SUV vs motor: 2 todas, 1 sugatan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
SUV vs motor: 2 todas, 1 sugatan
Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina Racquel Urbano, 31, residente ng Lejao Subdivision,  Poblacion, Aritao; at Jake Bautista habang sugatan naman si Allen Bautista, kapwa residente sa nasabing lugar.
STAR/ File

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines -  Dalawang katao ang nasawi habang isa ang malubhang nasugatan matapos ang nangya­ring salpukan ng isang motorsiklo at Isuzu MUX sa highway, Barangay, Nagcuartelan, Aritao sa lalawigang ito kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawing biktima na sina Racquel Urbano, 31, residente ng Lejao Subdivision,  Poblacion, Aritao; at Jake Bautista habang sugatan naman si Allen Bautista, kapwa residente sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, umagaw umano sa kabilang linya ang walang plaka na motorsiklo na minamaneho ni Urbano na naging dahilan para makipagsalpukan sa kasalubong na Isuzu MUX (NCG 7551) na minaneho naman ni Eligio Tabbu, 66, ng Bautista, Pangasinan, alas-8:00 ng gabi.

Napag-alaman na wala rin umanong ilaw o headlight ang motor na sinasakyan ng mga biktima.

Pinilit din ni Tabbu na umiwas,subalit sumalpok pa rin ang motorsiklo na kasalukuyan din ang construction sa lugar kung saan naganap ang aksidente.

Napag-alaman na isa sa mga biktima ay narekober kahapon ng umaga matapos tumilapon at mahulog sa bangin.

ISUZU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with