^

Probinsiya

11-anyos na nagpatuli patay nang matetano diumano sa Davao Oriental

Philstar.com
11-anyos na nagpatuli patay nang matetano diumano sa Davao Oriental
Satellite image ng Davao Oriental mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Utas ang isang 11-anyos na lalaki ilang linggo matapos magpatuli sa isang health center sa Davao Oriental nitong Hulyo.

Sa isang ulat ng GMA One Mindanao, kinilala ang bata bilang si Lear John na siyang tinuli noong ika-8 ng Hulyo at pumanaw nitong ika-27 ng Hulyo.

Anang mga magulang ni Lear, inakala nilang normal lang ang kondisyon ng bata dalawang araw matapos matuli.

Ilang araw ang makalipas ay nagkaroondaw ng lockjaw ang kanilang anak.

“Sunday morning medyo okay pa siya. Tinawagan ko ang midwife, sabi ko ‘Ma’am parang may tetanus yata ang bata. Mag-render na tayo ng anti-tetanus,” kwento ni Armando, ama ni Lear.

"After ng anti-tetanus… lalong lumala."

Batay sa ulat, nakalagay sa death certificate ng batang nasawi siya dahil sa “respiratory failure caused by generalized tetanus.”

Mariin naman itong itinanggi ni Angeluna Uyanguren, isang rural midwife mula Lupon Municipal Health Center ng naturang probinsya.

“Tiningnan ko ang tuli ng bata. Sinabihan ko ang magulang kung saan ba ako nagkamali? [S]abi ng ina ng bata, ‘Gumaling na pala.’ Sabi ko naman na may dala akong tetanus toxoid. Proteksyon ito para sa inyong anak. Nagpaalam na rin ako sa papa ninyo,” giit niya.

Kasalukuyang nakalibing na ang mga labi ni Lear ngunit patuloy pa rin sa panawagan para sa tulong ang pamilya niya.

“Gusto kasi namin para lesson learned sa lahat ng mga parents na gustong magpatuli," ani Armando.

Kaugnay nito, sinabi ng Department of Health na paiimbestigahan nila ang naturang insidente. — Philstar.com intern Vivienne Audrey Angeles

vuukle comment

CIRCUMCISION

DAVAO ORIENTAL

DEATH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with