^

Probinsiya

Bangka tumaob sa Bataan: 4 patay, 1 nawawala

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Bangka tumaob sa Bataan: 4 patay, 1 nawawala
Sinabi ni Coast Guard spokesman Commodore Armand Balilo, patuloy ang search and rescue operation ng kanilang Bataan Station at ng Maritime Group para mahanap ang nalalabing mangi­ngisda na si Jemar Dacillo.
File

MANILA, Philippines — Apat ang nasawi habang isa pang mangi­ngisda ang pinaghahanap makaraang tu­maob ang kanilang motorized banca na may 50 tripulanteng sakay sa karagatang sakop ng Bagac, Bataan, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) kahapon.

Nakilala ang mga nasawi na sina Alexander Mesina, Tirso De Guia, Edgar Balboa, at Gregorio Limboc.

Sinabi ni Coast Guard spokesman Commodore Armand Balilo, patuloy ang search and rescue operation ng kanilang Bataan Station at ng Maritime Group para mahanap ang nalalabing mangi­ngisda na si Jemar Dacillo.

Ayon kay Balilo, may 45 pang mangingisda ang nasagip ng PCG at ng iba pang mga bangka sa naturang insidente na naganap nitong Hunyo 23. Sakay ng F/B “Gra Twin Sister” ang nasa 50 tripulante nang tumaob, may 18 nautical miles sa baybayin ng Barangay Saysain sa bayan ng Bagac.

Narekober na ng PCG Sub-Station Morong katuwang ang BRP Malabrigo (MRRV-4402) ang tumaob na bangka ngunit hindi natagpuan ang nawawalang crew.

“Naghingi na tayo ng Notice to Mariners kasi daanan ng barko itong area na ‘to, at kung sakaling may makakita,” saad pa ni Balilo kaugnay sa nawawalang mangingisda.

Aniya, ang malakas na alon ang siyang dahilan sa pagtaob ng bangkang pangisda, base na rin sa pahayag ng mga nakaligtas.

vuukle comment

LUNOD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with