^

Probinsiya

Kelot nilikida sa kubo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

BATO, Camarines Sur, Philippines — Nakadapa at patay na nang matagpuan ng mga pulis ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na may tama ng punglo sa ulo sa loob ng abandonadong kubo sa gitna ng palayan sa Brgy. San Vicente ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima na tinatayang nasa 45-anyos pataas na pansamantalang inilagak sa isang punerarya sa bayan.

Sa ulat, nagulat ang ilang dumaraang residente makaraang makita ang nakadapang lalaki at duguan ang ulo.

Mabilis na rumesponde ang mga pulis at nakitang may isang tama ng punglo sa ulo ang biktima na pinaniniwalaang binaril habang nakadapa ng hindi pa nakikilang gunman.

Natagpuan sa loob ng kubo ang ilang drug paraphernalia, aluminum foil at lighter.

Isa sa anggulong tinitingnan ng Bato Police ay ang posibleng pagkaksangkot ng biktima sa iligal na droga.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with