Magnitude 6.2 na lindol yumanig malapit sa Davao Oriental — Phivolcs

Bandang 9:23 a.m. nang tumama ang earthquake 57 kilometro timogsilangan ng Manay, Davao Oriental. Una nang inanunsyong magnitude 5.9 lang ito ngunit tinaasan kalaunan.
Google Maps

MANILA, Philippines — Inuga ng malakas-lakas na magnitude 6.2 na lindol ang katubigan silangan ng kapuluan ng Mindanao, Martes, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Bandang 9:23 a.m. nang tumama ang earthquake 57 kilometro timogsilangan ng Manay, Davao Oriental. Una nang inanunsyong magnitude 5.9 lang ito ngunit tinaasan kalaunan.

Naranasan ang sumusunod na "intensities" kaugnay ng naturang pagyanig, na may tectonic origin:

Intensity IV (moderately strong)

  • Manay, Tarragona at Lupon, Davao Oriental
  • Hinatuan, Surigao Del Sur
  • Mati City
  • Bislig City

Intensity III (weak)

  • Don Marcelino, Davao Occidental
  • Cateel at Baganga, Davao Oriental
  • Tandag City, Surigao Del Sur
  • Davao City

Intensity II (slightly felt)

  • Bansalan, Davao Del Sur

Intensity I (scarcely perceptible)

  • Matalam, Cotabato

Matatandaang sinabi ng state volcanologists kanina na inaasahan ang ilang pinsala dulot ng naturang lindol.

Sa kabila nito, wala nang expected damage buhat ng nabanggit na insidente ngunit inaasahan pa rin ang mga aftershocks o mga kasunod na mas mahihinang lindol sa parehong lugar.

Wala namang inilabas na banta ng tsunami sa naturang lugar kahit na nangyari ang lindol sa katubigan. — James Relativo

Show comments