‘Bawal Bastos’ ordinance ipinasa sa Pangasinan
LINGAYEN, Pangasinan – Ipinasa ng municipal council dito ang “Bawal Bastos Ordinance” na nagbabawal sa “gender-based sexual harassment” sa mga pampublikong lugar, social media, tanggapan o sa trabaho at maging sa mga paaralan at training institutions ng bayang ito.
Ang Ordinance No. 109, S-2022 na may titulong “An ordinance prohibiting gender-based sexual harassment in streets and public spaces in the municipality of Lingayen, province of Pangasinan, providing guidelines in the implementation thereof and prescribing penalties for violations” ay inakda ni Konsehal Ramon Anselmo Cuaresma.
Sa report ng Lingayen Information Office, ang nasabing ordinansa ay ipatutupad sa “general public” pero mas lalo na sa mga kababaihan na madalas na mabiktima ng pambabastos at harassment o panggigipit.
Kabilang sa “Bawal Bastos Ordinance” ay ang catcalling, wolf whistling, sexist, homophobic at transphobic remarks o ang pagtawag sa tao ba “bakla o tomboy, verbal at physical advance at iba pang uri ng harassment na idinaan sa sexual jokes o paggamit sa sexual names at maging ang stalking.
Mahigpit ding ipinagbabawal ang public masturbation o flashing ng private parts, groping, o magsagawa ng offensive body gestures sa tao at iba pang kahalintulad na lewd sexual actions.
Ang mga lalabag sa ordinansa ay may katapat na parusa, Ang unang offense ay may multang ?2,500 at buwanang pagre-report sa Municipal Social Welfare and Development Office para sa counseling; sa second offense ay multang ?2,500 o pagkakakulong ng 6-10 araw mula sa atas ng korte at ikatlong offense ay ?2,500 fine at pagkakakulong mula 11 hanggang 30 araw mula sa utos ng korte.
- Latest