^

Probinsiya

4 municipal hall sa Bulacan naka-lockdown

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Philippines — Sarado pansamantala ang apat na municipal hall sa lalawigan ng Bulacan makaraang isinailalim sa pitong araw na lockdown matapos na magpositibo sa COVID-19 ang mga empleyado.

Kabilang sa mga naka-lockdown simula nitong Enero 13 hanggang 19, 2022  ang mga munisipyo ng Angat, San Rafael, Balagtas at Bocaue. Ito ay upang bigyang daan ang isasagawang disinfection sa bawat departamento o sa buong gusali ng bayan na naapektuhan sa paglaganap ng virus.

Ang mga kawani na may mga indikasyon ng COVID-19 disease ay mula sa Municipal Health Office, Mayor’s Office, Budget Dept., Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), ang Treasury, Assessors, Agriculture, Accounting at Civil Registry Offices hanggang sa Traffic Management.

 Sa kabila nito, mananatiling accessible sa publiko ang mga medical frontline services, traffic management at rescue ng nasabing mga local government units (LGUs) para matugunan ang mga emergency sa mga nasabing bayan.

 Sa Meycauayan, sinuspinde rin ng pamahalaang lungsod ang operasyon sa kanilang Business One Stop Shop (BOSS) na siyang nag-aasikaso sa mga kumukuha at nagre-renew ng mga business permit.

 Nanawagan uli si Governor Daniel Fernando sa mga chief executive sa mga LGUs sa Bulacan na mahigpit na ipatupad ang minimum health standard at protocols ng IATF. Nasa mahigit 9,000 na ang COVID-19 active cases sa Bulacan.

COVID-19

LOCKDOWN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with