^

Probinsiya

Magtatay nangisay sa sakahan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Magtatay nangisay sa sakahan
Sa imbestigasyon ng Bani-PNP, nagtungo ang mag-ama sa kanilang sakahan nang big­lang mahawakan ng batang Ortaleza ang kable sa kanilang pumping station na siyang ginagamit nila sa pagpapatubig.
STAR/File

BANI, Pangasinan, Philippines — Kapwa nasawi ang isang mag-ama matapos silang makuryente sa kanilang sakahan nang aksidenteng maapakan ng anak ang live wire kahapon ng hapon sa bayang ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Joey Orta­leza, 56-anyos at anak na si Mark Ortaleza, 21-anyos, kapwa residente sa Brgy. Dakap Sur, ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ng Bani-PNP, nagtungo ang mag-ama sa kanilang sakahan nang big­lang mahawakan ng batang Ortaleza ang kable sa kanilang pumping station na siyang ginagamit nila sa pagpapatubig.

Dito, nagkikisay ang biktima sanhi ng malakas na boltahe ng kuryenteng pumasok sa katawan at nataranta naman ang matandang Ortaleza nang makita ang anak na nagkikisay kaya agad niya itong hinawakan para tulungan, subalit maging siya ay nakuryente rin.

Nagawa pang dalhin sa ospital ang mag-ama pero dineklara na rin silang patay.

JOEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with