_ngayon
^

Probinsiya

Kagawad itinumba, nagrespondeng parak at suspek utas!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Kagawad itinumba, nagrespondeng parak at suspek utas!
Sa report ng Police Regional Office (PRO) 6, kinilala ang mga nasawi na si Efren Florendo, 60-anyos, Kagawad sa Brgy. Cubay South, Bugasong; P/Staff Sgt. Elvin Agting, 42, mi­yembro ng Bugasong Municipal Police Station (MPS) at ang suspek na si Roy Jalipa, 33.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinagbabaril at napaslang ang isang barangay kagawad habang nasawi rin ang isang nagrespondeng pulis at ang suspek matapos na mauwi sa putukan ang pag-aresto sa huli sa Brgy. Cubay North, Bugasong, Antique nitong Biyernes ng hapon.

Sa report ng Police Regional Office (PRO) 6, kinilala ang mga nasawi na si Efren Florendo, 60-anyos, Kagawad sa Brgy. Cubay South, Bugasong; P/Staff Sgt. Elvin Agting, 42, mi­yembro ng Bugasong Municipal Police Station (MPS) at ang suspek na si Roy Jalipa, 33.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-5:30 ng hapon nang pagbabarilin ni Jalipa si Florendo sa kanilang lugar sa Cubay North, Bugasong.

Sa pahayag ng ­ilang testigo, bigla na lamang pinagbabaril ng suspek ang biktima na napuruhan sa insidente na siya nitong ikinasawi.

Nang matanggap ang report, agad na nagresponde ang mga elemento ng Bugasong MPS upang arestuhin si Jalipa kung saan nadatnan ng mga ito sa crime scene ang duguang nakahandusay na  bangkay ni Florendo.

Isang residente naman ang nagturo na nagtatago si Jalipa sa bahay ng kapatid nitong babae sa lugar pero papasok pa lamang ang mga ito sa tarangkahan ay agad na nagpaputok si Jalipa na tinamaan si Agting sa kaniyang mukha.

Nagawa namang paputukan ng backup na parak ang suspek na agad ring binawian ng buhay.

Si Agting ay mabilis na isinugod sa pagamutan pero binawian ng buhay alas-6:41 ng gabi kamakalawa.

Narekober naman ng mga awtoridad sa crime scene ang isang unit homemade 12-gauge shotgun na ginamit ng suspek.

UTAS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with