^

Probinsiya

Negosyante itinumba ng kasama

Christian Ryan Sta Ana - Pilipino Star Ngayon

CABIAO, Nueva Ecija , Philippines — Patay ang isang 55-anyos na negosyante makaraang barilin ng isang ‘di pa nakikilalang lalaki na kasama umano niyang dumating sa Sitio Pala-Pala, Barangay San Fernando Sur ng ba­yang ito, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni P/Major Jeffrey Alivia, hepe ng Cabiao Police, ang biktima na si Anselmo Fernandez, 55, ng Purok 5, San Roque St., Brgy. San Isidro, ng nasabing bayan.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek at pinaghahanap na ito ngayon ng pulisya. Aminado ang pulisya na ang biktima at suspek ay magkakilala dahil may nakakitang magkasama ang dalawa na nagtungo sa lugar kung saan pinatay ang biktima.

Nabatid na alas-11:30 ng umaga nang tumawag ang isang concerned citizen at ini-report ang nangyaring shooting incident sa Sitio Pala-Pala.

Ayon sa pulisya, maaaring planado ng suspek na yayain ang biktima sa lugar at doon pinagbabaril.

JEFFREY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with