_ngayon
^
Nurse nag-viral nang mag-Tiktok sa kabaong ng yumaong ama
Ginawa umano ng nurse ang kanyang Tiktok bilang alay at pasasalamat sa kanyang ama na number one niyang tagahanga at tagasuporta sa kanyang pagsasayaw simula nang bata pa siya.
AFP/Olivier Douliery

Nurse nag-viral nang mag-Tiktok sa kabaong ng yumaong ama

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - June 19, 2021 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Viral sa social media ang isang nurse na babae matapos mag-Tiktok sa harapan ng kabaong ng kanyang yumaong ama sa bayan ng Echague sa lalawigang ito.

Sa post ng nurse na si Marinette Danao sa kanyang Facebook account, makikita siyang sumasayaw sa harapan ng kabaong ng kanyang ama na si Marcial Danao Jr., 48, na nasawi matapos ma-hit and run noong Hunyo 6.

Ginawa umano ng nurse ang kanyang Tiktok bilang alay at pasasalamat sa kanyang ama na number one niyang tagahanga at tagasuporta sa kanyang pagsasayaw simula nang bata pa siya.

“I know you’re always proud of my dan­cing since my childhood, especially on my tiktok you’re always looking forward to watching here on facebook. Our fights in cheer dance when I was in high school, you watched me throw away several times (flier) and you were so nervous that I might not be caught but you are so proud especially when we become champions,” ayon sa post ni Marinette.

Sa isang pahayag, inamin ni Marinette na isang COVID-19 survivor ang kanyang ama subalit sa hindi inaasahan ay nasawi sa “hit and run”.

Lagi umanong sinasabi ng kanyang ama sa kanya na labis siyang natutuwa sa tuwing nakikita siyang sumasa­yaw, kung kaya’t naisipan niyang kunan ng video ang kanyang pagsasayaw kasama ang kabaong ng kanyang ama.

Pinasalamatan ni Marinette ang mga suporta at tulong na ipinaabot sa kanilang pamilya sa pagpanaw ng kanyang ama.

NURSE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with