2 pasahero ng trike dedo sa road crash

Namatay noon din ang biktimang sina Charlie Pyponco Repel Jr, 23, ng Sitio Kawad, Brgy. Sto Domingo, Sta. Rosa, Laguna at Aiveen Rimbao Arcega, 22, ng Brgy. Pu­ting Kahoy, Silang, Cavite.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Patay  ang dalawang sakay ng tri­cycle nang ma-“sandwich” ang kanilang sinasakyan ng isang Isuzu Forward Double Cab at isang dump truck sa bayan ng Silang, dito kahapon ng madaling araw.

Namatay noon din ang biktimang sina Charlie Pyponco Repel Jr, 23, ng Sitio Kawad, Brgy. Sto Domingo, Sta. Rosa, Laguna at Aiveen Rimbao Arcega, 22, ng Brgy. Pu­ting Kahoy, Silang, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Ramil Legaspi ng Silang Police Station, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Tagaytay-Sta. Rosa Road, Brgy. Puting Kahoy, Silang kung saan ang mga sangkot na sasakyan ay isang tricycle na kinalululanan ng mga biktima at isang Isuzu Giga dump truck (NBG 7356) at isang Isuzu Forward double cab.

Kapwa binabagtas ng tricycle ng mga biktima at ang dump truck na minamaneho ni Angelo Vidal, 26, ng Brgy. Pulong Bayabas, San Miguel, Bulacan, ang Sta. Rosa-Tagaytay direction kung saan nauna ang tricyle habang nakasunod ang dump truck.

Maging ang Isuzu Double cab ni Alex Butlig Ladica, 46, ng Brgy. Sabit, Cuyapo, Nueva Ecija ay binabagtas ang kabilang kalsada at pababa ito patungo sa direksyon ng Sta. Rosa south patungong north nang mawalan ito ng kontrol sa kanyang mani­bela at pumihit sa kaliwa kaya tumagilid ito.

Dahil dito, bumangga sa tricycle ng mga biktima dahilan upang bumagsak sa kanang bahagi ng kalsada. Nadamay naman ang dump truck at dahil kasunod nito ang tricycle ay nasuyod rin nito ang sasakyan ng mga biktima na “total wreck sa insidente.

Show comments