Pulis-Avsegroup pinatay sa Tarlac

Kinilala ni De Leon ang napaslang na pulis na si Staff Sgt. Mike Maun, residente sa nabanggit na barangay at nakatalaga sa PNP-Aviation Security Group (Avsegroup)na naka-base sa Clark, Pampanga.
STAR/ File

CAPAS, Tarlac, Philippines — Ipi­nag-utos ni P/Brig. Gen. Valeriano De Leon, regional police director ng Police Regional Office 3, ang masusing imbes­tigasyon sa pagbaril at pagpatay sa isang pulis sa Brgy. Cristo Rey ng bayan na ito kamakalawa.

Kinilala ni De Leon ang napaslang na pulis na si Staff Sgt. Mike Maun, residente sa nabanggit na barangay at nakatalaga sa PNP-Aviation Security Group (Avsegroup)na naka-base sa Clark, Pampanga.

Batay sa report ng Tarlac Police, habang mi­namaneho ni Maun ang kanyang Toyota Altis­ nang pagbabarilin ng dalawang hindi pa natutukoy na suspek sakay rin ng itim na Toyota Altis (ZEW 568) dakong alas-6:40 ng umaga.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa follow-up operation ng pulisya, natunton ang ginamit na sasakyan ng mga suspek matapos abandonahin sa Sitio Baloy, Brgy. Arangonen, Capas.

Hinikayat ni De Leon ang publiko na tumulong para makilala at maaresto ang mga suspek na nasa likod ng nasabing krimen.

Show comments