2 kelot dedo sa pag-atake ng tandem

NORTH COTABATO, Philippines — Dalawa katao ang patay sa magkasunod na pag-atake ng riding-in-tandem suspect sa North Cotabato at Kidapawan City kama­kalawa.

Sa bayan ng Antipas, dead-on-the-spot si Dario Pamplona, 39-anyos, skylab driver na residente ng Barangay Pontevedra sa nasabing bayan ng pasla­ngin ng di pa nakilalang suspek.

Ayon kay Antipas Police chief Captain Jorlito Patrona­, nagmamaneho ng kanyang motorsiklo pa­punta sa kabisera ng bayan buhat sa Brgy. Bangbang nang maganap ang pamamaril dakong alas-2:00 ng hapon.

Samantala, dead-on-the-spot din si Eric Dela­pieza ng Brgy. Manongol, Kidapawan City, Cotabato, ma­tapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Gana Subdivision, Brgy. Sudapin, Kidapawan City, alas-5:20 ng hapon.

Sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo papasok sa lugar nang harangin ng mga suspect at pinagbabaril.

Show comments