FEU football player, pinsan utas sa bomba!

MASBATE CITY, Masbate, Philippines — Patay ang isang baguhang football player ng Far Eastern University at kanyang pinsan habang sugatan ang isang menor-de-edad na pamangkin nito matapos na sumabog ang itinanim na bomba ng hinihinalang komunis­tang New People’s Army (NPA) sa tabi ng kalsada ng Purok-4, Brgy. Anas sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Kinilala ang nasawing football player na si Kieth Absalon, 21-anyos, at pinsang si Nolven Absalon, 40-anyos.

Nilalapatan naman ng lunas sa Masbate Provincial Hospital ang 16-anyos na anak ni Nolven na si Crisbin.

Sa ulat, dakong alas-6:45 ng umaga kasama ang iba pang mga kamag-anak ay nagbibisikleta si Nolven at Kieth patu­ngong Brgy. B. Titong nang biglang sumabog ang itinanim na improvised explosive device (IED) ng hinihinalang mga rebeldeng NPA.

Sa lakas ng pagsa­bog, agad nasawi ang mga biktima dahil sa tumamang mga matutulis na shrapnel sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan habang nasugatan ang nakababatang Ab­salon na duguang dinala sa pagamutan.

Mahigpit na kinondena ni Brig. Gen. Jonnel Estomo, regional director ng Police Regional Office-5 ang walang awang pag-atakeng ito ng mga komunista sa mga sibilyan.

Show comments