_ngayon
^

Probinsiya

Big-time ‘tulak’ todas sa buy-bust

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang big-time na “tulak” matapos umanong kumasa sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kahapon ng madaling araw sa Brgy. Punta 1 sa bayan ng Tanza, dito.

Kinilala ng pulisya ang napatay na suspek na si Aldrin Singcosa alias “Bumbay”, 30-anyos ng Brgy. Bunga, Tanza, Cavite.

Sa imbestigasyon, ala-1:00 ng madaling araw nang bumili ng droga ang tumayong pouser buyer sa suspek. Habang nagaganap ang drug deal, nakatunog umano ang suspek na pulis ang kaniyang katran­saksyon kung kaya agad na nagtatakbo patakas at nakipagbarilan pa umano sa grupo.

Nagkaroon ng may ilang minutong habulan at pa­litan ng putok hanggang sa tumimbuwang ang suspek.

Nasamsam sa suspek ang may 13 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng 25 gramo ng shabu na aabot sa mahigit P60,000 na halaga at 3-plastic ng marijuana na may timbang na mahigit sa 100 gramo na aabot sa P33,000, isang Colt MK4 cal .45 pistol na kargado ng bala, isang Colt MK4 cal .45 pistol; 2 magazines ng cal .45 pistol; 10 bala ng  cal .45 pistol;  2 fired cartridge cases ng cal. 45 pistol; 2-fired cartridge cases ng cal .9mm pistol; isang P500 bill; 4-fake money na tig-P1,000 bill; isang pang fake money na P500 bill at mga drug paraphernalia.

PUNTA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with