_ngayon
^
21 BIFF, DI terrorists napatay sa engkuwentro
Ayon kay Lt. Col. John Paul Baldomar, tagapagsalita ng 6th Infantry (Kampilan) Division at 6th CMO commander na tumanggap ng impormasyon ang Joint Task Force Central sa presensya ng mga terorista sa bulu­bunduking bahagi ng Brgy. Saniag, Ampa­tuan, Maguindanao. Dahil dito, agad nila itong nires­pondehan sanhi ng bak­bakan.
Ernie Penaredondo

21 BIFF, DI terrorists napatay sa engkuwentro

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - April 1, 2021 - 12:00am

NORTH COTABATO, Philippines — Umakyat sa 21 na miyembro ng Bang­samoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at Dawlah Islamiya (DI) terro­rist group ang napatay sa mga inilun­sad na focused mi­li­tary operations ng tropa ng Joint Task Force Central sa Maguindanao, iniulat ng 6th Infantry ‘Kampilan’ Division, ka­hapon.

Ayon kay Lt. Col. John Paul Baldomar, tagapagsalita ng 6th Infantry (Kampilan) Division at 6th CMO commander na tumanggap ng impormasyon ang Joint Task Force Central sa presensya ng mga terorista sa bulu­bunduking bahagi ng Brgy. Saniag, Ampa­tuan, Maguindanao. Dahil dito, agad nila itong nires­pondehan sanhi ng bak­bakan.

Bukod sa mga na­paslang, nakubkob din ng militar ang anim na kampo ng DI sa bulu­bunduking bahagi ng Brgy. Saniag at Sal­man sa Ampatuan kung saan na-overrun ng 1st Scout Ranger Battalion ang kuta ng mga terorista.

Nagpapatuloy pa ang clearing operations ng militar sa mga hangganan ng Ampatuan, Datu Hoffer at South Upi sa lalawigan ng Maguindanao habang unti-unti nang nakabalik na sa kanilang mga tahanan ang mga residenteng nagsilikas matapos maipit sa 14-araw na sagupaan.

BIFF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with