Lolo, alagang kalabaw nalunod sa sapa

RIZAL,Cagayan, Philippines — Nasawi sa pagkalunod ang isang 63-anyos na lolo na si Carino Gadde, kasama ang alaga nitong kalabaw nang tangayin ng malakas agos habang tumatawid sa sapa naganap kamakalawa sa Barangay Capaccuan, ng nasabing bayan.

Sa report ng pulisya, alas-10:00 ng gabi ay nagkumahog na pinuntahan ng biktima ang kanyang pastulan upang ilagay sa mataas na lugar ang alagang kalabaw dahil sa malakas ng buhos ng ulan.

Habang tumatawid sa sapa ang biktima kasama ang kalabaw ay rumagarasa ang baha at natangay ang mga ito dahilan para malunod.

Dakong alas-8:00 ng umaga kinabukasan nang matagpuan ang bangkay ng matanda at alaga nitong kalabaw.

Show comments