Rider pisak sa trailer truck

SAN ESTEBAN, Ilocos Sur , Philippines — Pisak ang isang rider matapos magulungan ng kakarera niyang trailer truck sa national highway ng Sitio Bigbiga, Brgy. San Nicolas ng nasabing bayan,kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Benjie Gadong,residente ng  Candon City.

Ayon sa report, alas-11:15 ng gabi ay kapwa binabagtas ng motorsiklo ni Gadong at ang trak na minamaneho ni Renato Tabero, 39 ang nasabing highway nang magkagitgitan sila.

Nang tangkain nitong si Gadong na mag-overtake sa trak ay sumagi ito sa gilid kaya’t nawala ng balanse at nalaglag kaya’t nagulungan ito sa katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Sumuko naman si Tabero sa mga nag­respondeng pulis matapos ang sakuna.

Show comments