_ngayon
^

Probinsiya

2 ‘tulak’ todas sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
2 âtulakâ todas sa Bulacan
Napatay sa drug buy-bust sa siyudad ng San Jose del Monte, Bulacan dakong ala 1:10 ng madaling si Jeremie Garcia ng B1, L12, Area C, Brgy. San Martin IV, San Jose del Monte City.
STAR/File

MALOLOS CITY, Philippines — Dalawang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga ang napatay ng mga otoridad sa magkahiwalay na drug operations kahapon ng madaling araw sa lalawigan ng Bulacan.

Napatay sa drug buy-bust sa siyudad ng San Jose del Monte, Bulacan dakong ala 1:10 ng madaling si Jeremie Garcia ng B1, L12, Area C, Brgy. San Martin IV, San Jose del Monte City.

Napatay si Garcia matapos na makipagbarilan sa mga otoridad nang madiskubre niya na isang police asset ang kanyang katransaksyon sa bentahan ng droga sa Sitio Hulo, Brgy. Sapang Palay Proper, CSJDM. Narekober dito ang isang plastic sachet ng shabu, isang cal .38 revolver at isang motorsiklo.

Si Eric Sandoval naman ng Brgy. Bagong Nayon, Baliwag, Bulacan ay napatay dakong alas-4:00 ng madaling araw sa buy-bust operation sa Brgy. Sto. Cristo ng nasabing bayan. Nauna nang naaresto ang suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act at Anti-Carnapping Act subalit pinayagang makapagpiyansa ng korte para makalaya. Narekober sa napaslang na suspek ang pitong plastic sachet ng shabu, isang Cal .9mm pistol, digital weighing scale at isang sling bag.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with