29 pulis na pasaway sa Western Visayas sinibak
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa 29 na pulis na sangkot sa iba’t ibang kaso ang sinibak ng Philippine National Police (PNP) sa Western Visayas region.

Ayon kay P/Brig. Gen. Rene Pamuspusan, director ng Police Regional Office (PRO)-6, mas mahigpit ang kanilang ginagawang paglilinis sa kanilang hanay kaya walang puwang sa PNP ang mga pasaway. Napatunayan aniya na lumabag sa conduct unbecoming, dishonesty at grave neglect of duty, ang mga pulis lalo na ang mga absent without official leave (AWOL).

Naitala rin ang 160 administrative cases sa mga pulis ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, at Negros Occidental provinces, maging ang mga lungsod ng Iloilo at Bacolod. Suspendido naman ang 75, 9 ang pina­ngaralan, tatlo ang demoted, at ang dalawa ay pinagmulta.

Samantala, 42 sa mga pulis ay pinawalang-sala sa mga reklamong hinarap habang sasampahan ng PRO-6 ng kasong administratibo ang anim na lady cops dahil sa pag-iinom sa pampublikong lugar.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with