Pamumuhunan sa ‘coal’ wakasan na

MANILA, Philippines — Kailangan na umanong itigil ang pamumuhunan sa coal at maging responsable sa usapin ng klima.

Ayon kay Rayyan Hassan, executive director ng NGO Forum on ADB, nirerekomenda ng ADB Independent Evaluation Department (IED) sa Energy Policy nito na wakasan na ang coal sa Asia-Pacific.

Aniya, nananawagan ang NGO Forum on ADB na pakinggan ng ADB Board of Directors at Senior Management ang rekomendasyon na ito at mabilisang abandonahin ang anumang proyekto ng coal tungo sa isang “just transition” na aayon sa layunin ng Paris Agreement na limitahan ang pag-init ng daigdig hanggang 1.5°C.

Binigyang-diin ni Hassan, ang pagsabog ng Taal, pagliyab ng mga gubat ng Australia, pagbaha sa Pakistan at Bangladesh, paghagupit ng malalakas na bagyo sa USA ay nangyari sa pitong buwang hinarap ng buong mundo ang COVID-19.

Ayon naman kay Gerry Arances, executive director ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED) na sa gitna ng lumalalang krisis sa klima at kalidad ng hangin, pagmura ng mga teknolohiya ng renewable energy, at mga pangangailangang pangkalikasan at pang-ekonomiya na nangibabaw ngayong panahon ng COVID-19, panahon na upang  mag-“decarbonize”.

Show comments