4 treasure hunter nalibing nang buhay sa tunnel

Lumilitaw na naganap ang insidente nitong Linggo, Agosto 30 kung saan nahirapan ang rescuers na marekober ang mga biktima sa 60-talampa­kang lalim na tunnel.
STAR/ File

DAVAO DEL NORTE , Philippines  — Apat na treasure hunter ang nalibing nang buhay sa gumuhong tunnel sa Santo Tomas, Davao del Norte, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Kyle Castañares, Jeric Marquez, Dindo Cañares at Rustom Rancho.

Lumilitaw na naganap ang insidente nitong Linggo, Agosto 30 kung saan nahirapan ang rescuers na marekober ang mga biktima sa 60-talampa­kang lalim na tunnel.

Sa kabila nito, sinabi ng awtoridad na mayroong mga senyales na posibleng buhay pa ang apat na biktima.

Show comments