^

Probinsiya

Bomber ng NPA nalambat

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Bomber ng NPA nalambat
Kinilala ang naaresto na si Jhonel Amada Navales alyas ”Jun Navales”, 40-anyos, magsasaka na kabilang sa Guerilla Front 53 ng NPA at residente ng Purok 2, Barangay Inac, Magpet.
Philstar.com/File

NORTH COTABATO, Philippines — Nasakote ng Magpet Police ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) na itinuturong sangkot sa roadside bombing na ikinasawi ng isang pulis sa Purok Kabisig, Brgy. Poblacion, Magpet Cotabato kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang naaresto na si Jhonel Amada Navales alyas ”Jun Navales”, 40-anyos, magsasaka na kabilang sa Guerilla Front 53 ng NPA at residente ng Purok 2, Barangay Inac, Magpet.

Nadakip ang suspek sa tulong ng mga impormante sa lugar at sa inilatag na ­operasyon dakong alas-6:30 ng umaga.

Si Navales ay nahaharap sa kasong 11 counts of attempted murder base sa ipinalabas na warrant of arrest ng korte laban sa kanya.

Matatandaang sa naturang roadside bombing ay isa ang patay na kinilalang si PO1 Christopher Anadon at ikinasugat naman ng iba pang kasama nito na mga miyembro ng Cotabato Police Mobile Force Company ng CPPO.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with