^

Binata napagkamalang asset ng pulis, inutas ng 2 adik

Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - June 9, 2020 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Isang 19-anyos na binata ang patay matapos na tadtarin siya ng saksak ng icepick ng dalawang adik nang mapagkamalang police asset kahapon ng madaling araw sa Brgy., Banalo, Bacoor City.

Patay agad ang biktima sanhi ng maraming saksak ng icepick na nakilalang si Louie Angelo Vallada, residente ng Brgy. Banalo ng lungsod na ito.

Naaresto naman ang isa sa dalawang suspek na si Orlando Garcia, 52-anyos, driver ng # 228 Tabing Ilog, Brgy. Banalo, Bacoor City habang nakatakas ang kasama nito na si Erwin Copones, 30, construction
worker at residente rin sa nasabing lugar.

Sa ulat, alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente kung saan naglalakad ang biktima nang harangin siya ng mga suspek at pinagtulungang pagsasaksakin ng icepick. Nang bumagsak ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, napagbintangan umano ng mga suspek na ang biktima ang nagsumbong sa pulisya kung kaya nagkaroon ng anti-drug operation sa kanilang barangay.

Sa follow-up ng pulisya, agad naaresto ang isang suspek habang tinutugis ang isa pa.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with