^

Klase sinuspinde sa Cagayan Valley

Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - March 17, 2020 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Sinuspinde na rin ng karamihan sa mga lokal na pamahalaan ng Cagayan Valley (Region-02) ang klase sa lahat ng antas dahil sa patuloy na banta ng COVID-19. 

Sa limang lalawigan na binubuo ng Batanes, Caga­yan, Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya na kinabibilangan na rin ng 4 na lungsod na bumubuo sa Rehiyon-02 ay magkakasunod na nagpatupad ng suspensiyon ng klase ang bawat LGU para mapa­ngalagaan ang kalusugan ng mga mag-aaral.

Si Governor Manuel Mamba ng Cagayan ay ­unang nagpalabas ng kautusan sa pamamagitan ng isang executive order para sa suspensiyon ng klase sa buong lalawigan sa lahat ng antas mula March 16 hanggang March 28.

Sa isinagawang provincial disaster risk-reduction management council meeting noong Marso 14 ay ­iniutos din ni Mamba ang pansamantalang pagpapasara sa Cagayan Sports Complex, Cagayan Museum, Cagayan Provincial Learning Resource Center at ang Callao Caves.

Sa Isabela ay umabot na sa 26 mga bayan na kinabibila­ngan ng tatlong siyudad ang nagdeklara na rin ng suspensiyon ng klase sa lahat ng antas.

Ayon kay Atty. Elizabeth Binag, Isabela Official spokesperson on CO­VID-19 at Provincial Information Officer kabilang sa mga bayan na nagsuspinde ng klase ay ang bayan ng Alicia from (March 16, until further notice); Burgos (March 16-20); Cabagan (March 13-April 14); Cabatuan (March 16, 2020 until further notice); Cordon (March 16- April 14); Echague (March 16-April 13); Jones (March16- until further notice); Naguillan (March 16- April 12); Quirino (March 16-20); Reina Mercedez (March 16-31); Roxas (March 16- 30);  San Isidro (March 16- April 13); San Manuel (March 13-April 12); San Pablo (March 16-March 28); Sta Maria (March 16-20); Sto. Tomas (March 16- April 12); Tumauini (March 16-April 12); Palanan (March 16, April 12); Delfin Albano (March 16-20); San Mateo-March 16, April 20); Angadanan (March 16, until further notice); San Mariano (March 16, April 14); Cauayan City (March 16-April 13); Ilagan City (March 16, March-28); at Santiago City March 16, Until further notice.

Nagdeklara rin si Mayor Ralph Lantion sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya ng suspensiyon ng klase sa lahat ng antas mula March 16-28 dahil na rin sa banta ng COVID-19.

Samantala, sinuspinde rin ang klase sa Quirino.

KLASE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with