^

Outing: Dalagita nilamon ng ilog

Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - December 17, 2019 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Patay na nang marekober ang katawan ng isang 13-anyos na dalagita matapos na hindi na lumutang nang mag-swimming sa ilog kasama ang ilang mga kaibigan at kaklase kamakalawa ng hapon sa Brgy. De Ocampo, Trece Martirez City.

Kinilala ang biktima na si Cyrine Joy Olayta, estudyante ng B1, L43, Sec. 1, Belvedere, Brgy. Pa­radahan 1, Tanza, Cavite. 

Sa ulat, nagkayaya­an ang magkakaibigan na mag-swimming sa ilog. Masaya silang lumala-ngoy nang bigla na la­mang umanong lumubog ang biktima. Inakala pa ng mga kasamahan nito na sumisid lamang ito subalit ilang minuto na ay hindi pa rin lumulutang.

Dito na humingi ng tulong ang mga kaibigan nito kung kaya nagsagawa ng rescue operation. Makalipas ang may 20-30 minutong paghaha­nap, nakuha sa malalim na bahagi ng ilog ang katawan ng biktima na agad itinakbo sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival.

LUNOD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with