Masusing sinisiyasat ng pulisya ang pagkakatagpo sa dalawang lalaki na kapwa patay habang nakagapos sa loob ng isang abandonadong van sa Noveleta, Cavite kahapon.
Cristina Go-Timbang
2 lalaki iginapos, pinatay sa van
Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2019 - 12:00am

CAVITE, Philippines – Karumal-dumal ang sinapit ng dalawang lalaki matapos na matagpuang patay habang nakatali sa loob ng isang van na inabandona sa Brgy. San Rafael IV, Noveleta, dito sa lalawigan kahapon.

Sa ulat ng Noveleta Po­lice, naaagnas na ang bangkay ng dalawang ‘di pa kilalang biktima na nagkakaedad ng 35-40 at kapwa naka-packing tape ang ilang bahagi ng katawan nang makita sa loob ng puting van na may plakang NEA 9089.

Nabatid na itinawag ng ilang concerned citizen ng nasabing barangay sa pulis­ya ang pagkakatagpo nila sa isang van na may tatlong araw na umanong naka-park sa nasabing lugar.

Napilitang suriin ng mga residente ang van nang sila ay makaamoy ng masangsang na amoy na nagmumula rito at may nakita rin silang patak ng dugo sa lupa mula sa may pintuan ng naturang sasakyan.

Nang buksan ng mga nagrespondeng operatiba ng SOCO ang van, dito tumambad ang mga nakagapos na katawan ng dalawang lalaki. May mga nakapalupot ding tela sa kanilang leeg na hinihinalang binigti o sinakal. 

Sa kasalukuyan, blangko pa ang pulisya sa motibo at pagkakakilanlan ng dalawang biktima.

Ayon sa pulisya, malaki ang posibilidad na sa ibang lugar isinagawa ang pagpatay sa mga biktima at sa nasabing barangay lamang inabandona ang van upang mailigaw ang imbestigasyon ng pulisya.

NEA 9089 NOVELETA PO­LICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with