Bahay ng Kadamay leader sunog nang pagbabatuhin ng molotov sa Bulacan â ulat
Kuha ng isa sa mga "molotov cocktails" na ibinato para sunugin ang bahay ni Maralit.
Released/Kadamay
Bahay ng Kadamay leader sunog nang pagbabatuhin ng molotov sa Bulacan — ulat
James Relativo (Philstar.com) - December 12, 2019 - 7:17pm

MANILA, Philippines — Tinupok ng apoy ang bahay ng isa sa mga pinuno ng militanteng Kalipunan ng Damayang Mahihirap, kasama ng dalawa pang tirahan, matapos ang tinamong pag-atake, Huwebes ng umaga.

Tinukoy ang biktima bilang si Lea Maralit, chairperson ng Kadamay-Pandi, na namumuno sa mga maralitang lungsod na umokupa sa mga "abandonadong" pabahay ng gobyerno sa Bulacan noong Marso 2017.

Ayon sa pahayag ng grupo, apat na molotov coktails ang ibinato sa kanilang bahay, pasado alas-kwatro ng madaling araw kanina.

Nangyari ito isang araw matapos daw harasin ng grupong nagngangalang "Pro-Government" si Maralit, na dumulo sa pamumukol ng bato at pagbabasag ng kanyang mga bintana.

Napilitan daw lumikas sa kanyang bahay si Maralit kung kaya't wala siya sa loob nang mangyari ang panununog.

"Sinasabi ng mga awtoridad na mga progresibo ang pasimuno ng gulo, pero malinaw ang insidenteng ito na nagpapakita ng dahas at paglikha ng peligro sa loob ng komunidad," wika ni Gloria "Ka Bea" Arellano, pambansang tagapangulo ng Kadamay.

Aniya, tumutugon daw ang grupong "pro" sa utos ng militar at pulis, na namimihasa na sa pagpapahamak sa mga aktibista't mamamayan.

"Sumasabay ang kaganapang ito sa pagpaparami ng militar ng mga ‘fake surrenderees’ [ng New People's Army] sa loob ng mga komunidad ng Pandi," dagdag pa ni Arellano. 

"Kapalit ng pagiging ‘surrenderee’ ang minsa’y pagiging utusan at nasa proteksyon ng mga sundalo para maglunsad ng mga atake sa mga lider ng Kadamay at mamamayan." 

Hinamon din ng grupo ang mga independent investigators na silipin ang mga kaganapan ngayon sa komunidad ng Pandi.

Aniya, nais daw kasi ng awtoridad na "idiskaril ang laban ng homeless para sa paninirahan at takutin ang mamamayan na umalma sa bulok at represibong pamahalaan."

Noong Oktubre 2017, matatandaang inaprubahan ng Kamara ang Joint Resolution 15 na kumikilala sa nasabing okupasyon ng mga bahay.

Kasama rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pumayag na manirahan doon ang urban poor group, Abril noong taong 'yon.

"I will ask you soldiers and policemen, bitawan nalang niyo iyan. Ibigay na lang natin sa kanila, tutal mahirap sila. But I promise you, I will look for another land nearby, or adjacent or maybe contiguous area there and gagawa ako ng mas maganda, may tubig na and may electric na pagpasok ninyo," sabi niya sa ulat ng CNN Philippines.

Sa kabila nito, iniutos naman ni Digong ang marahas na dispersal ng mga miyembro ng Kadamay matapos nilang tangkang okupahin ang ilang kabahayan sa Rodriguez, Rizal, na sana'y nakalaan daw para sa mga pulis at militar.

 Kasalukuyang hinihingi ng PSN ang panig ni Brig. Gen. Bernard Banac, tagapagsalita ng Philippine National Police, tungkol sa insidente't mga akusasyon ngunit hindi pa rin tumutugon sa paglathala nito.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES ARSON HOUSING KADAMAY MOLOTOV PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with