Kinilala ang biktima na si Junrey Anghel, 18, estudyante, at residente sa Sitio Mampalanay, Purok 7, Basac Lantapan, Bukidnon.
The STAR/ File
Love triangle: Binata utas sa lover ng gf
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

BUKIDNON , Philippines — Patay ang isang binata matapos barilin ng umano’y lover ng kanyang kasintahan na “namamangka sa dalawang ilog” nang tambangan ng suspek sa Purok 2, Basac Lantapan, Bukidnon, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Junrey Anghel, 18, estudyante, at residente sa Sitio Mampalanay, Purok 7, Basac Lantapan, Bukidnon.

Batay sa report ng Lantapan Municipal Police, bago ang insidente, hinatid pa ni Anghel sa bahay ang kanyang nobya na hindi pinangalanan.

Sa kanyang pag-uwi ay tinambangan at binaril ang biktima ng umano’y isa pang nobyo ng kanyang nobya gamit ang .38 caliber, pasado alas-8:00 ng gabi. Tinamaan ang biktima sa katawan na agad niyang ikinamatay.

Ayon kay Lantapan Police Station commander Major Noel Cano, kanila nang nakilala ang suspek na hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan dahil sa nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon sa kaso.

Sinabi ni Cano na malaki ang kanilang paniniwala na ang isa pang kasintahan ng nobya ng biktima ang bumaril sa huli gamit ang kalibre 38 na baril dahil sa posibleng pagseselos.

JUNREY ANGHE LANTAPAN POLICE STATION SITIO MAMPALANAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with