Mister inatake, sumalpok sa kotse dedo
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joel Dado, 57-an­yos, may asawa, residente ng Blk. 5 Lot. 15A Mandel St. Parkdale 1, Brgy. Mambog 5, Bacoor City, Cavite.
The STAR/File
Mister inatake, sumalpok sa kotse dedo
Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

CAVITE, Philippines — Isang mister ang hindi na nakarating sa ospital para sana magpa-checkup matapos abutan ng atake sa puso habang nagmamaneho ng kanyang SUV dahilan upang su­malpok ito sa paparating na kotse kahapon ng umaga sa kahabaan ng Palico Diversion Road,  Brgy. Palico 4, Imus City.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joel Dado, 57-an­yos, may asawa, residente ng Blk. 5 Lot. 15A Mandel St. Parkdale 1, Brgy. Mambog 5, Bacoor City, Cavite.

Hawak naman ng pu­lisya ang driver ng Hyundai Sedan na si Joseph De Guzman, 40-anyos, may asawa ng  Blk. 1 Lot. 231-232 Happy Homes, Brgy. Buhay na Tubig, Imus City.

Sa ulat ng pulisya, alas-9-00 ng umaga, sakay ang biktima ng kanyang Mitsubishi Pajero wagon (TNE 974) at bumabagtas sa nasabing diversion road  at patu­ngo sana sa MCI Hospital upang magpasuri ng sakit nito sa puso. Gayunman, habang bumabagtas sa nasabing daan ay bigla siyang sinumpong ng paninikip ng dibdib. Dahil dito, nawalan siya ng kontrol sa manibela hanggang sa sumalpok ang sasakyan nito sa paparating na Hyundai Accent Sedan (TIX 696) na minamaneho ni De Guzman.

Sa lakas ng salpok, wasak ang unahang bahagi ng kotse na ikinaipit ng biktima. 

Nang maialis sa pagkakaipit, agad na itinakbo ang biktima sa MCI Hospital subalit idineklarang patay na.

Pumirma ng waiver ang misis ng biktima na si Cristina na patunay na hindi na magsasampa ng kaso laban sa nasabing driver.

JOEL DADO JOSEPH DE GUZMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with