NPA top commander, 2 pa patay sa bakbakan
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 6, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tatlong miyembro ng New  People’s Army kabilang ang isang top commander nito ang napaslang matapos na mauwi sa engkuwentro ang pagsisilbi ng warrant of arrest ng pinagsanib na elemento ng militar at pulisya sa Antipolo City, Rizal nitong Huwebes ng madaling araw.

 Kinilala ni Captain Jayrald Ternio, tagapagsalirta ng 2nd Infantry Division (ID) ng Philippine Army ang napatay na si Armando Lazarte alyas Ka Pat Romano, Secretary ng Southern Tagalog Regional Party (STRPC) Commttee’s Sub Regional Military Area 4 A.

Patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan sa dalawa pang rebelde na napatay rin sa kasagsagan ng palitan ng putok.

Bandang alas-2:00 ng madaling araw, ayon sa opisyal, isinisilbi ng mga operatiba ng pulisya at sundalo ang warrant of arrest sa kasong murder at frustrated murder laban kay Lazarte sa safehouse ng mga ito sa  Sierra Vista Subdivision sa Brgy. Cupang,  Antipolo City nang pagbabarilin sila ng mga rebelde kaya lumaban ang mga awtoridad.

Narekober mula sa mga suspek ang isang M16 rifle, isang 9mm pistol, isang cal .45 pistol, dalawang hand grenades, laptops, cellphones at mga dokumento, na pawang pinuproseso na ngayon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Rizal Provincial Police Office.

 

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with