^

Probinsiya

Higit 7-libong katao inilikas sa Cagayan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Higit 7-libong katao inilikas sa Cagayan
Muli na namang nilubog ng tubig baha ang Cagayan dulot ng bagyong Ramon na nagpalikas sa mahigit 7,000 residente sa may 19 bayan sa lalawigan. Makikita sa larawan ang mga tagpo ng pagtaas ng tubig sa Barangay Visitacion, Sta. Ana at paglikas ng mga residente (inset). (Raymund Catindig/Cagayan PNP).

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Lumobo na sa mahigit 7,000 katao ang ini­likas ng mga awtoridad kasunod  ng malawakang pagbaha dulot ng walang humpay na pag-ulan dahil sa bagyong “Ramon” sa 19 munisipalidad dito sa lalawigan kahapon.

Sa tala ng Cagayan Disaster Risk Reduction Ma-nage­ment Office (CDRRMO), uma­bot na sa 7,332 katao mula sa 5,578 residente ang inilikas noong Martes  mula sa mga bayan ng Sta. Ana, Gonzaga, Sta. Teresi­ta, Camalaniugan, Aparri, Lallo, Claveria, Alla­capan, Ballesteros, Sanchez Mira, Sta. Praxedes, Pamplo­na, Baggao, Gatta­ran, Buguey, Peñablanca, Lasam, Rizal at Solana.

Ayon sa CDRRMO, ang mga evacuees ay mula sa 2,824 bilang ng mga pa­mil­­­-yang naapektuhan ng bagyo.

Bukod dito, dalawang trans­mission power lines ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Brgy. Magapit, Lal-lo ang naapektuhan ng pagbaha at nagdulot ng malawakang brownout sa mga naapek­tuhang bayan maliban sa  Solano at Peñablanca.

Ayon sa NGCP, nadamay ding nawalan ng kuryente   sa mga sakop na kalapit bayan ng Flora, Sta. Marcela, Luna at Pudtol sa Apayao.

Sinabi ni Cagayan Police Director Colonel Ariel Quilang na nilubog ng hanggang bewang na tubig baha ang mga barangay ng Tapel, Gonzaga at Visitacion, Marede, Casagan, Dungeg, Sta. Clara, Batu at Patungu­nan sa bayan ng Sta. Ana kung kaya’t naging pahirapan ang paghakot ng mga residente na lumilikas patungo sa evacuation centers. 

Dahil sa taas ng tubig baha, sinuspinde kahapon ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang klase sa lahat ng antas sa buong lalawigan habang idineklara rin ang parehong suspensiyon sa kalapit na Tabuk City, Kali­nga at Paracelis, Mountain Province ng kani-kanilang LGU bunsod ng malalang pag-ulan, pagbaha at landslides. 

vuukle comment

CAGAYAN DISASTER RISK REDUCTION MA-NAGE­MENT OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with